throwback thursday: sa hindi maipaliwanag

I don’t know when I wrote this. But it’s one of them notebooks. This is in Filipino, though I am not sure how well this would translate.

Nandun ako. Hindi nga. Nandun ako. Alam ko kasi nandun ako. Nakita ko kasi nandun ako. Narinig ko kasi nandun ako. Naramdaman ko kasi nandun ako. Hindi ako nagbibiro. Sa maniwala ka man o hindi, totoo ang lahat ng sinasabi ko. Nandun ako.

Hindi rin ako makapaniwala sa simula. Hindi ko inaasahang makakarating ako doon sa ganoong oras. Sabi ko nun sa sarili ko, parang may mali, parang hindi ako. Hindi ako yung pupunta doon para sa wala lang. Hindi ako yung maliligaw sa ganoong lugar, dahil hindi ako marunong maligaw. Hindi ako naligaw. Hindi rin ako dumarating ng wala sa oras. Pero iba noon. Hindi ako maaga. Kailan ba naman ako naging maaga? Pero hindi rin ako nahuli. Ang pinagtatakhan ko ay dumating ako sa oras. Sa eksaktong saglit na nangyari ang lahat. Nandun ako ng eksaktong sandali. Nandun ako sa eksaktong lugar. Alam ko. Nandun ako. Pero parang hindi ako ang akong nandun.

Nandun ako. Nandun ako nang nagyari ang lahat ng nangyari. Nandun din sila. Parang pinagtagpo ng tadhana ang lahat at nagkakawing-kawing ang aming mga landas. Kakampi namin ang oras at ang panahon, marahil, dahil sa pagkakasalabit ng aming mga landas ay nandun kami para saksihan ang pagsiwalat ng mga pangyayari para sa bawat isa sa amin. Lahat kami ay naging saksi sa lahat ng pagkakaton. Sa sandaling iyon, lahat kami ay napag-isa sa pitik ng segundo sa gulong ng oras. Ang mga katawan nami’y nanuldok sa gitna ng teon ng kalawakan at kawalan. Marami kami sa tuldok na iyon, marami kami sa pagpatak ng sandali. Kasama ako dun. Sa tuldok. Sa sandali. Naging malinaw ang lahat sa pagkurap ng aming mga mata at paglundag ng aming mga puso. nandun kami. Nandun sila. Nandun ako. Nasaan ka?

Ang galing. Ni hindi ko yata naisip kung bakit o paano ako napunta doon . Sa isang iglap, alam ko na ang lahat, sa susunod, muli ko na itong naitatanong sa iyo. Kakaiba talaga. Ni mga sandali o mga pangyayaribago o matapo ang lahat, kaunti na lang ang naaalala ko. Baka hindi ko na rin nais pang alalahanin, o hindi ko na kaya pa. Sinsasabi na ng utak ng tao ay may kakayahang makaalala nang higit pa sa napapangarap ng tao. Na maliit lang na bahagi nito ang ginagamit natin. Alam ko. Pero nung mga sandaling iyon, para ring sandaling pinatay ang aking isip. Sandali kong hindi kinailangang magisip, o maghukay ng mga sagot sa baul ng aking ala-ala. Nangyari ang lahat ng wala akong kontorl; parang awtomatik ang lahat. Nang balikan ko ang aking isipan, naglaho ang mga tanong. Narito na ang lahat, sabi ko noon. Nandun na ako. Ano pa ang kulang? Wala. Alam mo ba yun? Naiintindihan mo ba? Di ba? O baka naman hindi mo maisip kasi wala ka doon. Ako, nandun.

Aalis ka na ba? Buti na lang. Samahan mo na lang ako. Kailangan ko ang talagang sabihin ito sa iyo para namana mainitindihan mo ako. Alam ko parang magulo sa simula pero maya-maya lang ay makikita mo rin. Sasabihin ko sa iyo ang lahat. Buti naman.

Nasaan na ba ako? A, oo.

Nandun ako. Sila rin. Ngunit may ilan pa ring nandun. Ang ilan ay nagtangka na ring umalis dahil hindi nila makita ang kabuuan ng mga nangyayari. Hindi na kinaya ng kanilang isip ang lahat, ikintaka na nila ang malaking bahagi ng kanilang paniniwala. Pakiramdam siguro nila ay isang malaking biro ang lahat. Pero hindi. Totoo. Walang aksidente sa pagkakatayo nila doon dahil kabilang sila sa lahat. Nangyari ang lahat ng nangyari dahil nagtaka sila sa mga bagay na hindi nila nakikita, kaya lumayo na lang sila at ibinaling ang paningin sa iba. Nabulagan sila ng tabing nang tuluyan at hindi nila nalaman ang mga sagot na bigla na lamang nandun. Sayang, hindi nila naramdaman na maging ang kanilang dilim ay kabilang sa tumuldok sa kalawakan, sa pumitik na sandali. Sabi ko sa iyo, sa ilang napagpapakitaan ng liwanang, marami pa rin ang pilit na pipikit at dadaing sa silaw.

Ang ingay naman. Noon, sabi ko. Ang ingay nung nandun ako. Marami kang naririnig, maririnig. Ngunit ang hirap humanap ng pakikinggan. Hindi ko maintindihan kung ingay lang iyon dahil sa nangyari, o kung lahat sila ay nagsasalita. Tama. Lahat nga sila nagsasalita. Sabi ng iba nalalaman na nila ang lahat. Naiintindihan nila ang nangyayari. Daw. Yun ang sinsasabi nila. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila sabihin kung ano ang nagaganap e nandun na nga sila? Parang ikinukuwento lang nila ulit kung ano na yung naririnig ng pinagkukuwentuhan nila. Yung iba naman tanong nang tanong. Makulit naman sila. Hindi ba nila naririnig ang nangyayari? Parang nandun nga sila pero wala sila dun. Nakakarinidi ang ingay. Doon, sabi ko. Dagdag pa rin ang ilan na nagsasabi ng mga nangyayari pero sa totoo, sinsasabi lang nila ang gusto nilang mangyari. Ang masama pa nito, sumisigaw sila. Parang sumiigaw sila ng kanilang mga utos sa kanilang lipon ng mga bingi. Parang wala dun ang kausap. Parang wala silang mga sumisigaw dun pero nandun sila. Narinig ko ang lahat. Nandun ako. Ang hirap palang pilitin na walang pakinggan kung hindi mo maiwasan ang makarinig o makapakinig. Nakikinig ka pa ba?

Ang sabi ko, kung nakikinig ka pa ba sa mga sinasabi ko? Buti kung ganoon. Akala ko nabibingi ka na rin.

Naramdaman mo ba yun? Parang may malamig na hanging dumaan. Nagyun-ngayon lang. Sabi nila, ibig sabihin daw nun e may kasama tayo. Huwag kang matakot. Kakampi natin sila. Sana.

Nagulat din ako. Oo. Medyo. Konti. Kung sa bagay, parang kinutuban na rin ako. Hindi masamang kutob o mabuting kutob na parang swerte. Hindi ganoon. Wala. Kutob lang. Na may mangyayari. Hindi naman talaga natin masasabi kung mabuti o masama ang nangyari, di ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s