hindi inaasahang pagkakataon

Maraming mga bagay na hindi mo alam kung saan nanggagaling, mga bagay na hindi mo alam kung bakit nangyayari. Maraming mga bagay na hindi mo alam kung may patutunguhan, mga bagay na hndi mo alam klung may kahihinatnan. Maraming mga bagay na hindi mo alam kung paano at kailan nagsisimula, mga bagay na hindi mo alam kung anong ibig sabihin, ibig ipahiwatig, kung meron man nga talaga o wala.

Kung sa mga minsang ito na makita mo ang sarili mo na naipit sa pagitan ng mga bagay-bagay na ganito, ng mga bagay-bagay na hindi mo maintindihan, hindi mo maunawaan, mga bagay-bagay na hindi mo inaasahan, na hindi mo alam kung paano magwawakas o kung paano at kailan nagsimula, ano ang gagawin mo? Malalaman mo ba kung ano ang gagawin mo, kung ano ang sasabihin mo sa kanya, sa kanila, at kung paano mo ulit sila, ito, ang mga mga bagay-bagay na ito, haharapin?

Hindi ba mas madali na lang sana kung hindi mo na kailangang isipin pa kung ano, kung kailan, at kung paano, na kung makita mo ang sarili mong naipit, naitulak, o naitulak mo ang iyong sarili sa mga bagay-bagay, sa mga sitwasyon at pagkakataon na tulad nito, na hindi mo alam kung bakit nangyayari, na hindi mo mawari kung bakit pa nangyayari, at kung bakit sa iyo pa nangyari sa dinami-dami ng mga tao sa mundo, at ikaw pa ang nilapitan, sinapitan ng pagkakataong ito, na sadyang pipilitin mo na lang, sisikapin ko na lang, hahayaan mo na lang na ang mismonng pagkakataon ang pipili sa susunod mong mga hakbang? Mas madali nga ba talaga yun? padadala ka na lang sa agos, sa sidhi o kakulangan nito, ng pagakakataong kinalalagayn mo, at basta ba papayag ka na lang sa kung anong gusto niya, kung anong sabi niya. dahil minsan, nakakapagod na ring mag-isip, nakakapagod na ring magsalita, nakakapagod na ring pilitin pang isulat nang paulit-ulit, nang paulit-ulit, nang paulit-ulit, ang mga hindi alam na sagot sa mga bakit, sa mga kailan at kung paano, na hindi naman talaga na mahalaga, dahil sa sandaling iyon wala ka rin naman talagang pipiliin kundi…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s