ilabas mo lang, sige lang

Hindi ko pa nasubukang magsulat talaga ng buong Filipino. Gusto kong isipin na kaya ko yun gawin, higit pa sa inaakala kong galing ko sa pagsusulat sa English, o siguro sa inaakala ng ibang talento ko dito. Hindi ko naman talaga alam. Nung bata pa ako, lagi na lang din siguro akong napapasali sa mga writing contest pero kahit ako sa sarili ko, hindi naman talaga ako naniniwalang magaling akong magsulat. Sa kahit anong wika, for that matter.

Medyo matagal na rin akong nagsusulat sa blog pero madalas yun ay para lang sa sarili ko. Iniisip ko na maganda sigurong balang araw na mabasa yun ng mga kaibigan o ng pamilya ko at maintindihan nila ako at yung likaw ng pag-iisip ko dati. Siguro kapag patay na ako, yun, mas magkakaroon ng linaw ang lahat, at iniisip kong mas makakaluwag sa damdamin nila na makilala ako kahit wala na ako, kahit man lang sa mga sinulat ko noon.

Mahigit sa minsan na rin akong natanong kung bakit may mga experiences akong nilalagay sa blog pero hindi ko naman buong tapang na sinasabi kahit kanino. Parang sa mga malalapit kong kaibigan, karamihan ng mga bagay na nalalaman nila tungkol sa akin o sa mga nangyayari sa buhay ko at sa mga nararamdaman ko ay nababasa nila sa mga sinusulat ko at pino-post sa blog. Depensa ko naman, well, wala talaga akong depensa. Madalas lang e nagugulat ang reaction ko sa kanila kung bakit may nagbabasa pala ng blog ko. It does make sense, well, since I put it out there anyway, may makakabasa at may magbabasa talaga nun balang araw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s