lutang-lutang

Heto na naman.
Dahil lang siguro pakiramdam ko na hindi na rin ako masyado nakakapagsulat nitong mga nakaraang araw kaya ko ginagawa ito. Hindi naman talaga sadyang ganun. Gagawin ko na lang excuse siguro ang aking pagiging busy. Busy sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Busy sa pagmumukmok sa buhay kong pakiramdam kon ay unti-unti, sobrang dahan-dahang nava-validate bilang isang buhay na medyo patapon, bagamat sa paningin ng nakararami ay may malaking potensyal at punong-puno ng mga posibilidad. Siguro nga, hindi ko rin lang alam. O siguro din ay napapagod na akong wala talagang ginagawa.
Napanuood ko nang saglit ang biography ni Amy Winehouse sa TV kanina. Siguro parang kapareho niya ang buhay ko ngayun, minus all the drama, drugs, and the music. Here you have a person who has talent, no question about it, but seems like she’s wasting her life away. But the great thing about her is that she delivers. And she delivers big time. Yung aspetong iyon, hindi rin siguro naga-apply sa akin, at least sa estado ko ngayon, wala naman talaga akong pagkakataon na mapatunayan na I can deliver, or otherwise prove my own personal assumptions about my own credibility wrong.
Sa isang banda, nabablangko na ulit ang utak ko. Sa kabila, inaantok na nga siguro ako, hindi ko lang alam, o in denial pa rin ako sa antok. Patawad sa mga nagsimulang magbasa. Kung anuman yung gusto kong palabasin siguro kanina, o kung anuman yung nauna kong inisip na gusto kong palabasin dito sa post na ito, lumipas na lahat. nalipasan na siguro ako ng sarili kong mga ideya. Malamang sa sobrang bilis lang isip ko, sabi ko na nga ba, meron akong mild case ng ADD. O malamang sa sobrang katamaran ko lang talagang isulat. Ewan.
Lumulutang-lutang na naman ang isip ko kung saan…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s