ang pagbitaw

minsan, mahirap ang bumitaw
sa mga bagay na parehong
nahahawakan at hindi
nararamdaman at hindi
naiintindihan at hindi
sa mga relasyong ayaw pakalas
ni isa o kung sino mang nagnanais
na pumakawala bagkus ay pahigpit
nang pahigpit
nang pahigpit,
palalim nang palalim
ang pagsakal, mahirap huminga
hindi lang dahil sa nakasasakal
ngunit nakagapos din ang mga kamay
kaya hindi makuhang
bitiwan ang sariling ulo
ang sariling puso
ang sarili
upang hablutin ang makapit
na sumasakal
sa mga ala-ala at mga gunita
sa mga una sa buhay
na hinding-hindi na mauulit
hindi na mauulit
dahil sa sidhi ng kapit
dahil sa lubha ng dikit
dahil sa lalim ng pagkakabaon
sa mga sandaling ayaw pakalimot
o mga isipang
hindi pakalilimot
sa mga minsanang tiyak na dumadalas
kung sakaling minsang makakalas
sa mga basurang yaman ang turan
mga salitang banal ang ibig sabihin
na hindi hahayaang masayang
ni isang tuldok, isang pahina, isang tambak
na pagkalaki-laki na kung tutuusi’y
hindi rin lubos na mayayakap
upang maligtas sa bahang di pakakati
di pahahati ang tao sa kanyang dumi
di pawawalay ang mga ideya sa kanyang pinagmulan
hanggang sa tuluyang mamundok
ang kanya’y nag-aari upang di malunod
sa hampas ng mga along bumambati

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s