sarap

Simple lang naman talaga ang gusto ng mga tao sa buhay nila: sarap.
Kahit na ano pa man ang sabihin ng iba, iyon lang naman ang nakapagpapagalaw ng mundo ng karamihan sa atin. Sarap. Gusto natin ng sarap. Madalas para sa sarili natin, madalas para sa iba, sa pamilya, o sa mga mahal natin sa buhay. Gusto natin ng sarap para sa kanila, para hindi sila mahirapan sa hinaharap; o di kaya, nagsusumikap tayong kumayod araw-araw para maranasan natin ang mga bagay na nakapagpapasarap ng buhay.
Masarap ang sarap.
Iniisip ko, tutal wala pa naman akong masyadong ginagawa ngayon, ano ba yung mga bagay na laging masarap, kahit anong mangyari, sa kahit anong sitwasyon?
Bagong underwear. Ako lang siguro pero alam kong meron ding iba. Kahit na nga medyo naisuot mo na ng ilang beses, basta medyo bago pa. Siyempre yung bagong laba. Hindi yung Side B. Kadiri yun. Hindi yun masarap.
Tumakbo. Yun ang “thing” ko ngayon, ang pagtakbo. Hindi naman ako madalas tumatakbo sa mga marathon nang madalas. Pero kapag nasa gym ako, ang sarap laging tumakbo. Yung takbong totoo at yung takbong figurative. Mga taong tinatakbuhan, mga problema. kahit sandali lang parang nawawala sila. Parang nagiging ibang tao ako, hindi ko maintindihan, isang saglit nandito na ako, sa susunod wala na. Tumakbo na. Siyempre kung ikaw yung nasa kabilang side, hindi masaya yun. Yung ikaw yung tintakbuhan. At kung sa tunay na takbo naman, yung pagod at sakit na mararamdaman mo pagkatapos, ibang usapan na yun. Hindi na yun masarap.
Yosi. Again, parang ako lang din ito, kasama ang mga taong nagyoyosi. At muli, tulad ng pagtakbo, ibang usapan yung pagkatapos mo nang mag-yosi at parang naghahabol ka na ng sakit. Hindi masarap yun. Pero yung mga sandaling bumubuga ka ng usok, yung mga sandaling pumapasok yung nikotina sa utak mo, yun, masarap yun. Masarap din ang juts. Yun e balita ko lang.
Maligo. Kahit kailan, masarap maligo. Wala akong pakialam sa pasma na sinasabi ng mga matatanda. Basta masarap maligo. Masarap yung pakiramdam na malinis ang katawan mo at mabango ka. Yung pagkuskos mo sa likod ng siko mo e walang namumuong libag. Yung wala kang kwintas na itim sa leeg. Yung pagkuskos mo sa mga kasingit-singitan ng katawan mo, at yung pakiramdam na kumakapit yung bango ng Safeguard sa katawan mo. O kahit ano pang sabong pampaligo. Masarap ang maligo. Masarap din kung may kasama.
Kaya naman: Isa pang bagay na masarap din lagi, sa kahit anong sitwasyon, sa kahit anong panahon ay sex. Totoo naman. Kahit anong mangyari, masarap ang sex. Kung anuman ang sitwasyon ng mga taong gumagawa nito, kung anuman ang relasyon nila, o kung wala, o kung para sa anuman ang ginagawa nila, masarap yun. Syempre, yung sex na may consent ng parehong tao, o mga tao (masarap din yun, yun e balita ko lang…). Kung may pilitan, kung ayaw, huwag. Hindi masarap yun. Lalo na pagkatapos.
Ano pa kayang mga bagay ang masarap kahit na anong mangyari, sa kahit anong sitwasyon?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s