bilis (may ilang bahagi, hindi magkakaugnay)

una:

nangingilabot ang aking braso
sa takot at kaba
na para bang nararamdaman
at papalapit ka na
sa aking tiyang libu-libong
paru-parong nagpapagaspasan
papalabas sa aking mga labi
na iyo nang hahalikan
nauutal ang dila sa pagdampi
ng iyong puso sa nguso
nang aking marinig
ang pangalang iyong inusal
muling binungkal ang damdaming pagal
inaaliw ako ng iyong sayaw
umalindog sa aking baywang
pababa, gumuguhit pababa
sa aking tamapakang nawawala
sa pagkakatapak sa lupa
iniisip pa lamang ang iyong gagawin sa akin
nang katawan ay nanginginig
naninigas, nanaanabik, sabik na sabik
sa iyong halay na halay ma’y di
ko mawari ang pumupuno sa akin
pipiglas ang damdamin sa lubid
napatid ng iyong pangingilid
sa aking kamay na naglalakbay
sa katawang pilit kong ibinabayubay
ang iyo, sa akin, na magiging iisa
maghihiwalay, magkikita
maghihiwalay, magkikita
sa kumpas ng gabi ang sayaw
ng mga damdamin ay aanib sa dilim
liliwanag na naman
nagniningning ang lahat
na madadampian ng tingin
sa pagsapit ng umagang tayo’y atin
magpapaalam na maghihiwalay
hanggang sa muli nating pagtaglay
sa ating mga kaluluwang kulay
dugo ang kapalit sa aking palad
ninakaw ang tamis ng aking isip, katawan
ng aking mag nanginig at nanigas na mga braso
ngunit pinanabik sa huling, muling
pagtikim sa tamis sa alat ng asin
na atin, sa muling paghilod, pagsisid
ng pangingilabot, pangingilig

pangalawa:
(hindi man kasunod, sa may bandang gitna at unahan
kaunti lang, usog
usog pa ng konti.)

magpanggap ka at ako’y harapin
magtago ka sa ilalim ng aking halakhak
patawa, patuwain sa galak
ang pusong naninimdim
isara ang bintana sa kwarto ng mga salita
at itatak sa gunita ang iyong mga sinabi
hinabing mga kasinungalingan sa aking tabi
isantabi ang tunay libaan sa mga huwad
na para sa akin ay naging totoo na rin

pangatlo:
(muli, tulad ng pangalawa.)

bihisan mo ako ng iyong hubad na katawan
ikulapol ang lahat sa aking kawalan
salat-salatin ang aking mga saloobin
gisingin, buhayin, hukayin, kayurin
at sa iyong kagitingan, ilibing ang akin

huli:
(sa kabilang banda
ngunit pareho lang pala.)

sa bawat lagok ng iyong tubig
nangingilid, gumuguhit sa aking mga bibig
binabangag, binabaliw ako sa sadhi
sa bawat pagdampi ng mga labing may mithi

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s