isang trahedya (itago natin sa pangalang…)

naupupuno ng kakaibang tuwa
kapag ika’y kapiling na
at ang kaba’y umaalma
sa kumpas ng iyong ganda

nagkita tayo noon sa aklatan
at sa hagdan ng gusali naghintayan
ang iyong pagdating ay inabangan
at lubos nanabik, sa wakas nasilayan

kamusta ang iyong buong-giliw na bati
samantalang ngiti’y namutawi sa labi
at ako’y tumugon nang walang pasubali
mabuti at ikaw, ang aking pakiwari?

sa tunog ng kampana’y lumaon
at tayo’y nagtugo sa hilingang balon
alingawngaw ng kuliglig nakabaon
sa loob nito’s mga bulong umaalon

winika sa kata’y salitang nag-aalab
nilahad ang ukol sa pag-ibig na wagas
pag-irog walang maliw, pagsinta walang kupas
bituing kumikislap, mga saksing nangahas

ating mga puso’y pilit pinawawaksi
sa pag-iibigan, pinamumukha’y pagsisisi
dikta ng lipuna’y ipinapatatak sa isip
anong masasabi kung mga puso’y masilip?

dagling tumalima ang pusong nagdaramdam
patungo sa ‘ting langit, hinahadlangang daan
binahiran ng dugo ng ‘yong kapatid na minsan
pilit pinagtanggol pagmamahalang binalaan

ang kasagutang tanging pusong natatanaw
sa lalim ng gabi, sa dilim umalingawngaw
pilitin man nating pagsinta’y di magmaliw
tanging sa kamataya’y ligaya’y lilinaw

at ngayon sa balong, bumulong’t sumaksi
sa binatilyong makisig at dalagitang pintakasi
ika’y bininyagang libingan naming sawi
bantayog ng pag-ibig lubos ang pighati

[Isang tulang nilikha noon pang nasa college ako. Itago na lang natin ang sumulat sa pangalang Ekek Mekekekwek. Seryoso. Yun talaga yung nakalagay sa notebook na pinaghugutan ko nito. Para kay Ekek, nasaan ka man ngayon, binigyan mo kami ng panadaliang aliw sa pammagitan ng tulang ito. Astig.]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s