k. a. a. n. l. t.

Kung anu-ano na lang talaga…
Iniisip kong umalis, lumayo kahit sa isang araw lang, kung saan wala akong kilalang tao o kung anuman, dun sa isang luar na hindi ko pa talaga napupuntahan o naisip man lang na puntahan hanggang sa biglang nakarating na lang ako doon. Tapos hindi ako magliliwaliw o maggagala dun, basta hindi. Ang gagawin ko lang e magsusulat. Magsusulat nang walang humpay, walang habas, walang tigil. Magsusulat hanggang sa maupod na ang utak ko at wala na akong ibang maisip na salita kasi nagamit ko na lahat ng salitang natutunan ko sa buong tanang buhay ko. Magsusulat hanggang sa wala nang kwenta ang lumalabas sa mga kamay ko, parang pay kwenta naman na talag sila sa simula pa lang, sa totoo lang, hindi ko rin alam kung meron kasi wala naman talagang nagbabasa nito, at wala win naman akong mapilit na magbababasa nito na talagang magsasabing may point din naman ang mga sinasabi ko o sinusulat ko minsan sa buhay nila nang bigla lang silang nalingat a natulala kahit na isa o dalawang segundo lang.
Yun nga, sabi ko kung anu-anu na lang talaga. Hindi lang talaga ako sanay ng masyadong madaming oras para walang gawin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s