paano sumulat ng isang nobela

Ibang klase ka rin naman ano?
Gusto ko ba talaga itong ginagawa ko o sadyang napipilitan lang ako? Hindi ko alam kung paano sasagutin yan. Basta ang goal ko ngayun ay… Teka, wala pala talaga akong goal.
Gusto kong magsulat. Wag kang magulo, epal.
Alam mo yung feeling na minsan nakatingin sa iyo lahat ng tao dahil sa hindi mo malamang dahilan, siguro dahil merong mali sa iyo na nahihiya silang sabihin o ipamukha sa iyo dahil hindi sila sadyang bastusing mga tao at hindi ka rin naman daw mukhang sadyang bastusin, barumbado lang, kaya tinititigan ka lang nila hanggang sa ma-conscious ka at magisip kung meron ka nga bang nakausling kulangot o buhok o buhok na may kulangot sa ilong o kung pumutok na yung pimple mong tatlong araw mo nang inaalagaan. O di kaya merong sadyang tama sa iyo, namamangha sila sa isang aspeto ng iyong pisikal na anyo na gusto nilang tignan ito ng mabuti dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo alam nila sa loob-loob nila na hindi nila iyon makakamit o maangkin at sila ay, at least for now, ay hanggang tingin lang. Ay, nagfe-feeling ka na naman. Sa totoo lang wala talaga silang tinitignan sa iyo, sa totoo lang, hindi ka naman talag nila nakikita o napapansin.
Gusto kong magsulat ng isang nobela pero hindi ko pa alam kung tungkol saan at kung paano ako magsisimula. Paano mo nga ba sisimulang ikuwento ang sa palagay mo ay ang pinakamagandang kuwentong ilalahad/isusulat mo sa tanang buhay mo? Teka, isn’t my existence enough?
Syempre dapat may love. Puki ng inang love. Kung di ka nga naman ba nagbabasa, hindi mo mapapansin na lahat naman ng kuwento ay umiikot sa iba’t ibang klase ng pag-ibig, sa pagitan ng iba’t ibang klaseng tao, bagay, hayop, nakakain ba ito? Lahat ng magaganda nat mga timeless na kuwento ay naiuugat sa isa o higit pang uri ng mga struggle, struggles that would havee been borne out of love of something/someone in thie first place. Kaya dapat may love.
Kung merong love, hindi na rin malalayo ang kangkangan. Dapat may sex; puki ng inang sex. Ohhh, sex. Aahhh, sex. At kung anu-ano pang uri at klase at lakas ng ungol, sex. Yung sex na hindi masyadong mukahang bastos o babastusin. Although pwede ka rin namanng magsingit ng mga porn moments, basta hindi halata. Ang mahalaga yun essence ng sex sa konteksto ng kuwento, may motivation, motivated sex, hindi lang para lang makapag-pasok ng isang sex scene sa istorya. Kailangan mai-romanticize mo ang konsepto ng sex sa daloy ng kuwento, hindi sex ang puno at dulo ng lahat. This would be a means to either a sweet, candy-colored ending, o isang trahedyang wala nag papait pa maliban sa lasa ng bunga ng kape na hilaw. Teka, mapakla pala yun.
Speaking of tragedy, dapat may mga taong mamamatay. Oo, “mga”. Madami sila. Higit sa isa. Dapat “mga” para dapat marami. Kung isa lang ang pipiliin mong mamatay sa isa istorya, dapat yun e walang iba kundi yung bida. Yung bidang walang bahid, walang kasalanan. Yung bidang iche-cheer ng lahat ng nagbabasa dahil nasa kanya na lahat ng mga bagay na pinagkukulangan ng buong sangkatauhan. Kung hindi mamamatay ang bida, e di wag. Dapat mamatay ang mahigit sa 34% ng mga taong nakapaligid sa bida. Oo, 34%, wag ka nang makialam, meron akong study na susuporta sa porsyentong yan. Isang genocide o massacre siguro pwede. Insensitive, pero hindi ko sinasadya, nagkataon lang. Basta dapat may mamatay. Pwede ring i-count yung manunulat sa mga pwedeng mamatay.
Dapat may kasamang intrigue, mga chismis. Anong klaseng chismis? Yung tipong nakakasira ng mga kinabukasan. Yung tipong may kinalaman sa mga anak sa labas, mga kakambal na nawawala, mga kabit na hindi mabilang. Yung tipong kinakabit ng kakambal na nawawala yung anak niya sa labas na tiyuhin pala ng kapatid ng asawa ng pinsan na dating kasintahan na naanakan ng triplets na nililigawan ng biyenan na hoodlum na may asawang nangangaliwa kasama yung amain ng madrastang nabaliw dahil nalaman niyang yung anak niyang lalaki ay isa palang durugistang bakla na itago natin sa pangalang Badong. Yung ganung level ng intriga at ka-chismisan, hindi rin naman malayong mangyari sa totoong buhay, pero sa kuwento mo parang pang araw-araw lang.
Ang nobelang isusulat ko may halong subconscious at isang napaka-makatotohanang dream sequence na walang makakaalam na dream sequence lang pala kasi ganun siya ka-believable at ka-realistic. Dapat makatotohanan, yung walang halong bullshit. Yung dream sequence. Kahit na ang buong point nga ng pagkakaroon ng dream sequence sa istorya e para isingit ang kunag anumang ka-bullshitan na tumatakbo sa isip ng bullshit na bida o kontrabida, hindi dapat nahalata ng mga mambabasa yun. Hindi dapat obvious na parang pinapahaba mo lang yung kuwento o meron ka lang gustong isingit sa istorya na hindi naman talaga pwedeng mangyari dahil maiiba ang buong daloy ng mga bagay-bagay. Dapat ang maiisip ng ga magbabasa, parang dine-develop mo lang ung pagkatao ng mga tauhan sa pamamagitan ng mga dream sequence dahil sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng motivation ang bawat galaw ng mga tauhan. O yung sex.
Dapat madaling basahin at maintindihan, conversational. Hindi masyadong halatang nagpapaka-dakila o nagpapapansin, self-effacing. Hindi masyadong gumagamit ng mga komplikadong salita tulad ng “self-effacing” na kailangan pa nila (ng mga mambabasa, kung suswertehin ka nga namang may magkaka-interes na basahin ang katarantaduhang pinagsusulat mo) hanapin sa dictionary ang ibig sabihin. Dapat organic, natural ang pag-usad ng kuwento, kahit na sa totoong buhay may mga panahon na bumibilis at bumabagal ang panahon, e sa totoo lang, perception lang nga tao yun, at meron talagang natural progression ang mga bagay-bagay dahil lahat naman ay naikakahon sa konsepto ng panahon o time. Balik dun sa walang bullshit: dapat walang philosophical existensialist psychoanalytical at sociological crap, at least yung crap na sobrang palasak o halata, kumbaga sa tunay na tae sa tunay na buhay, yung tipong hindi nila mamamalayang naapakan na pala nila hangga’t nakauwi na sila sa bahay at hinubad na nila ang kanilang sapatos, o di kaya ibang tao ang makakapansin na kinaladkad na nila yung tae sa kung saan.
Yun lang, siguro pwede na akong magsulat ng nobela, alam ko na ng konti kung ano dapat meron. Kung anong klaseng nobela ang gusto kong isulat. Problema, ulit, paano ko ba sisimulan ito?
Naglalaro pa rin sa isip ko kung dapat ba akong mag-resign sa trabaho o kung gusto ko ba talagang mag-resign sa trabaho. Naiisip ko baka tinatamad lang talaga ako kaya ko naiisip yun o dahil nakapagbakasyon din ako ng konti ng mga ilang araw nung isang buwan kaya medyo tumatatak na sa akin kung gaano kasarap ang buhay ng nakadikit ka lang sa kama maghapon at walang ginagawa. Siguro kung umalis man ako ngayon sa trabaho, yun na lang ang gagawin ko, magsulat. Gumuhit. Mag-isip ng kung anu-anong mga art project na hindi man magbigay sa akin ng pera o kasikatan, e masasabi ko namang naisip ko at nagawa ko minsan man lang sa buhay ko. At kung wala na kong trabaho, pwedeng-pwede rin naman akong magtanim na lang gulay, halimbawa, ng patola.
Minsan ang hirap pilitin ang sariling gumawa ng bagay na kahit alam mo namang hindi mo naman talaga gustong gawin pero kailangan mong gawin kasi minsan ka na ring nasanay sa mga bagay na nakukuha mo mula sa paggawa ng bagay na ito at…. hindi ko na alam kung meron talagang kasunod yun.
Wala. Wala nang kasunod.
Isipin mo, binasa mo talaga ito ng buong-buo?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s