kasi hindi pwede

Testing. Testing. One, two, three…
Hindi pa ako makatulog. Kakakain ko lang.
May isang bagay na matagal ko nang hindi nagagawa na gusto ko sana gawin ngayon pero dahil kulang, hindi ko magawa. Hindi pwede. Hindi kasi pwede. Kaya wala.
Pwede naman akong maghanap ng kapalit pero hindi na pwede. Hindi ko na kayang maghintay pa ulit. Babalik lang ulit ako sa simula, mamaya hindi ko pa magustuhan kung nandito na. Pampalubag loob lang ang mangyayari, kawawa naman ako. Sayang din lang.
Sabi ko dati hindi ko na gagawin ulit, pero hindi rin naman nagkatotoo. Ginawa ko rin ng ilang ulit pa pagkatapos nung huli. Wala akong magagawa, gusto ko rin naman. At nasisiyahan ako kung ginagawa ko yun.
Inaantok na ba ako o napapagod na lang talaga ang mga mata ko? Hindi ko alam. Hindi ko na kaya pang isipin. Ang alam ko, may gusto akong gawin na matagal ko nang hindi ginagawa, na sabi ko sa sarili ko noon e hindi ko na gagawin pa ulit, ngunit nasisiyahan ako kapag ginagawa ko, na hindi ko maalis sa isip ko ngayun.
Dapat na akong matulog.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s