walang magawa

Hindi totoo na kung mag-isa ka lang sa bahay, mabobore ka. Ang daming pwedeng gawin para aliwin mo ang sarili mo.
May isang linggo mahigit na din akong mag-isa sa bahay. Nasa Morong silang lahat, nagpa-opera ng bukol sa dibdib si Mommy. In as much as I would want to be there for her, I got to work. Mahirap na kung may lumitaw na di kanais-nais sa biopsy niya a month from now at baka lang
magkaroon ng tunay na drama ang buhay ko, hindi lang yung usual na perceived drama. That’s another story though.
Purga na ako sa kakakain sa may Jermth karinderya sa may kanto. Hindi naman kami pinalaking pihikan sa pagkain kaya kahit ano, pwede na. In fairness, masarap ang kanilang kaldereta, minsan lang napipili ko yung binagoongan nilang buto-buto. Masarap din yun, pero supposedly dapat patay na siguro ako sa allergy kasi hipon na bagoong ang gamit. I suppose that’s one reason I tend to shit a lot, literally, for the past few days, instead of the normal flatulence. Baka yun na ang bagong intepretasyon ng katawan ko sa allergy: tae.
Ang hirap din lang siguro kung mag-isa ka sa bahay, walang pagkain. Nakakatamad magluto, kasi alam mo na pagkatapos ng lahat, kailangan mong linisin pa yung kusina at maghugas ng pinggan. Hindi ka rin pwede magluto ng madami, dapat sakto lang kasi ikaw lang naman ang kakain.
Ayun, kung hindi kain, gym. Wala naman sigurong may pakialam kung sabihin ko ito, wala naman ding nagbabasa ng blog ko except for those entries that I stream through Livejournal and Facebook. I’m doing another set of personal training now, with my old new trainer, Jericho. Minsan kapag may session kami, pakiramdam ko sobrang frustrated na niya sa akin kasi parang gumagana lang yung training niya sa akin kung nasa gym ako. Pagbalik ko ng Ilang araw, parang wala nang nangyari. I think it’s genetic. I know I just have to do more. More eating, more weights. Pero kumpara naman din siguro sa iba niyang trainees, I endure a lot more of his torture tactics. Haay, how we pay for pain…

For obvious reasons, nakatulog na ako nung sinusulat ko ito kaya biglang ganun na lang. Ayoko nang tapusin. Nakakatamad.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s