mula sa baul ng mga nilimot na talata 2

Hindi mo ba naisip na sinasayang mo lang ang panahon mo? Ano naman
ngayon kung masayang ang panahon? Wala namang mangyayari kung titigil
ang oras. Wala namang magaganap kung hindi darating at lilipas ang
ngayon; kung sakali mang dumating pa ang bukas. Kung tumigil sa
pag-ikot ang mundo, kung tumigil sa pagliyab ang araw, at kung tumigil
sa pagkurap ang mga bituin, wala ring makapapansin.
Dahil sa pagdating ng sandaling ito, at pilitin man nitong manatili sa
sandaling kinalalagyan, titigil ang lahat. Titigil ang lahat sa
paghinga, dahil ang hangin ay kinakahon ng kawalang kinakahon ng
panahon. Titigil ang lahat sa paggalaw, dahil ang init ng laman ay
kinakahon ng init ng araw na ikakahon ng pagtigil ng sandali. Titigil
ang lahat sa pagdamdam, dahil ang luha ay tubig na ikinakahon simula
at wakas ng pagtulo nito, ng liwanag na sisilaw sa mga matang
nakakakita sa mga luhang maiipit ng sandaling nagpumilit di lumisan.
Titigil ang lahat. At walang makapupuna. At walang makapapansin. At
walang makadarama. Paano mo malalamang tumigil na ang panahon?

***

Sa tuwing pagmamasdan kita, napupuno ng mga bagay-bagay ang isipan ko
tulad ng tubig na sumisirit sa aking basag na paso.

***

Mga ideyang nakakulong sa isip
Inaabangan ang inspirasyong susi
Tanikalang tinta sila’y nakatali
Kalasag ay plumang siyang babali

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s