mula sa baul ng mga nilimot na mga talata

Haay, ang sarap kumain. Let’s take some time to get back to my archives. Una, hindi pa ako talaga inaantok. Sabi nga nila, hindi magandang matulog o mahiga kung kakatapos mo pa lang kumain. Pero nakahiga ako ngayun. Not good.
I used to keep this book, this red record book for writing. I’ve dug up most of those loose pages that I’ve collected since college and tried to rewrite them in it. Para lang makita ko rin kung may
pinagkaiba nag tinig ko noon sa ngayun, hindi ko alam kung meron ngang pinagkaiba, siguro dahil ako rin ang sumulat nun dati at iba nga siguro ang magiging opinyon ko kung ibang tao akong bumabasa at sumusulat muli nung mga sinulat ko noon. I was only able to fill about twenty pages of that record book, because that was also around the time that Fishy gave me a new, smaller notebook in gold to write into.
She likes reading me, and somehow that thought of having an audience actually following what you write and anticipating the next chapters that I squeeze out of the experience makes me write a whole new level of suck. Those thoughts in those pages sucked majorly, so it’s either I unconsciously lost that gold notebook, or I unconsciously destroyed it with my rare psychic abilities. Anyway, wala na yung notebook na yun, I must have willed it out of existence. And it was gold. Tacky.
Here’s a little something from the red book. Eventually I would have to swear off paper since it just makes a lot more trees die for my thoughts to be realized. At least if I have them online there’s better chance of people reading it (re: my friends who actually give a flying shit about What’s wrong with me) and an even better chance of being criticized: Conflict is essential in life.

Pagod na pagod na ako.
Pagod na ako.
Pagod na akong maghintay, pagod na akong umasa.
Pagod na akong magsulat, pagod na akong bumasa.
Pagod kumain, pagod mapuyat, pagod matulog, pagod dumilat.
Pagod na akong tumayo, pagod na akong umupo.
Mahiga at lumuhod; kumandirit habang iwinawasiwas ang mga kamay sa kawalan ng walang humpay: pagod na ako.
Pagod na akong magsimula pang muling mapagod.

Pagod na akong subukang wakasan ang pagod kong hindi humuhupa.
Ang pagod ko’y balon: hindi nanunuyo, hindi napupuno.
Manong ibalik mo ang lahat ng tubig mong sinalok sa aking balon ng pagod.
Hinding-hindi mapupuno ang pagod kong balon. Kahit pa ba salukin mong lahat ang tubig na pagod na sa pananatili sa balon kong pagod, basa pa rin ito.
Basang-basa. Pagod na pagod ang balon ng pagod kong pagod.
Ang pagod ko’y bagot na, panis na ang laway sa katutulo at kahihintay, katatayo sa tuldok ng mga puntong winaldas-waldas na at pinagod-pagod.
Nilaspag na nang kusa sa paghihintay –piga nang lahat ang pananabik.
Tuyong-tuyo na ang lahat ngunit ang pagod ay hindi nabibilad sa liwanag at kusang maikukulang balik-puti, mapapawing balik-wala.
Ngalay na ang mga binti sa pagtayo at pagdama sa damdaming pagod; na ang pagkamanhid ay kawalan na mismo ng pagkamanhid at di-pagdama sa kamanhiran; na dahil sa kalituhan ay hindi na rin madama pa ng damdamin ang dagitab ng gumagapang na manhid.
Namanhid na sa pagkabagot sa pagpapakapagod. Sa pagpapakapagod-pagod, pagpapakamanhid-manhid, sa pagpapakabagot-bagot: pagod na…
Pagod na akong isipin ka.
Pagod na akong pilitin pang isipin ka at huwag isipin nang sabay.
Dahil alam kong papagurin ko lang ang utakko sa pag-iisip sa iyo.
Kung kumain ka na, kamusta ka na, anong ginagawa mo, kung pagod ka na ba at kailangan mo na ng pahinga.
At kailangan ko na ng pahinga.
Hindi ako galit.
Pagod ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s