Si Cheng

Another day at work. Work work work, workworkwork, work-work.
Cheng asked me for a favor today, if she can get the leave on Monday and I pick the Tuesday leave instead. I guess she has an interview coming up and just wants to be prepared for it.
Inaamin ako, hindi ko sana gusto ibigay yung leave ne yun, not that I actually have anything planned, but for the most part, I had my mind already set that I was going to go on a long weekend this week. gaya ng lagi ko nga sinasabi kung may nagtatanong sa akin, Hindi naman sa kasing-importante ng lakad mo ang (mga pinaplanong lakad) ko pero pinaghirapan ko ring makuha yung leave na yun, kaya para sa akin, kung may gagawin man ako dun sa araw na yun o wala, importante pa rin yun.
Pero siguro, nagparaya na rin lang ako kay Cheng. Hindi naman sa natatakot ako na awayin niya ako ng walang habas for the rest of my work life, although she’s readily capable of that, hindi rin naman niya siguro makakayang gawin yun forever kasi kaming dalawa na lang halos ang naguusap sa quadrant namin.
Binigay ko na rin lang sa kanya yun kasi lately, madalas na namin siyang nakikitang malungkot. Yun lang, hindi pa siguro talaga ako “friend” para paghingahan ng loob (ninuman, for that matter).
Napapagusapan namin ni Fishy si Cheng, dahil wala siya dun kanina, at dahil yung na rin lang naman ang trabaho ng mga tao sa opisina, ang makipagchismisan. Siguro dulot na rin lang nga mga bagay na nag-complicate na lang sa isa’t isa kaya siya malungkot. Yun mga isyu nila sa bahay (dalawang malaking isyu, itago natin sa codename na Batok Espesyal a.k.a. Iron Chef: Villa Ragas Edition), sa friend niyang nutcase at sa iba pa niyang friends na uber-clingy/needy, stress sa trabaho lalo pa’t ngayung nagsisimula na ang tax season, at siyempre, ang kawalan ng growth sa current status ng trabaho namin. Aaminin ko, hindi lang simple ang isispin ang ganitong mga bagay-bagay, once in a while, you’ll actually realize that a. you are not getting younger, and b. your life is really not that okay anymore. May mga pagkakataon din na minsan hindi ka na mapakali sa sarili mo at gusto mo na lang talaga kumawala at magbago. (Kung sa bagay sa mga panhong ito mo rin mapapamalas na ikaw ay talagang bata pa, fickle at indecisive. Parang isang rebelyon sa loob mo na gustong pumakawala. Kung sa matatanda kasi, mas nanaisin nila ang isang stable at steady state kaysa magbago.)
Noong isang beses, napagusapan namin ni Cheng ang mga frustrations namin sa buhay. Nabanggit niya na nakikita daw niya sa akin yung sarili niya, na parang robotic na lang kung minsan, pumapasok sa trabaho para lang magtrabaho. Normal na routine na lang lahat at parang wala nang passion towards work. Just coming to work for the sake of. (Apektado naman ako siyempre, hindi naman sa ide-deny ko lahat ng alegasyong ito, pero hindi naman siguro ako ganun na ka-obvious. Pero sabi nga nila, it takes one to know one, kaya siguro nabasa niya rin ako ng ganon ka-verbatim.) Umoo naman din lang ako. Napansin din namin pareho na minsan, naiisip mo, bakit ikaw hindi ka masaya sa buhay mo samantalang yung iba kaya naman nilang maging masaya? Sa isang banda tatanungin mo tuloy ang sarili mo, ano ba ang ginagawa kong mali (o anu bang mali sa akin) kung bakit hindi ako maging masaya tulad ng iba? Since pareho naman kami na hindi naman talaga masaya, we therefore concluded that: ang mga taong ito na masaya o satisfied sa buhay ay either may kababawan o slightly ignorante. Pero minsan nakakainggit nga dahil pinapatotohanan nila ang kasabihang Ignorance is Bliss. A little bliss in life shouldn’t hurt right?
Feeling ko magreresign na si Cheng. Personal growth? Emotional endeavor? Social enlightenment? Hindi ko alam, malamang hindi niya rin ishe-share sa akin yung bagay na yun forever. At the back of my mind, nung minsang nagusap kami over yosi break, naintindihan ko na rin lahat, kahit na hindi na niya sabihin. Hindi na mahalaga pa siguro sa isang tunay na kaibigan ang malaman ang lahat, sapat na ang nandun ka para makinig kung anumang iilang bagay ang gusto niyang sabihin. I still stick to my own mantra on friendship: True friends are psychics.
Hehe.
Anu’t anuman, you owe me this leave Cheng. hehehe.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s