Pilita Corrales

Sa totoo lang, natatakot na akong magsulat. Natatakot na hindi na ako makagalaw at sa di kalauna'y hindi rin ako nagsusulat dahil sa takot. Anong klase ng takot.
Natatakot akong magsulat dahil hindi ko alam kung marunong pa akong magsulat gaya ng dati. Gaya ng dati na gusto ko at nagugustuhan din ng iba ang sinusulat ko. Gaya ng dati na may kabuluhan ang lahat at may kahulugan ang bawat salitang pumapatak mula sa aking isip. Gaya ng dati na may mag-aabang at mananabik sa susunod pang mga kabanata at may maglalaway sa makaraang pilantik pa sa keyboard na aking pinaawit gamit ang mga salita.
Natatakot akong nilisan na ako nilang lahat, ng mga salita dahil nauna na akong tumalikod sa kanila, ilang taon na rin ang nakaraan. Pilit ko man silang pabalikin, natatakot akong tuluyan na silang naghiganti at hindi na umawit pang muli para sa mga ideyang nagpupumiglas mula sa akin.
Hindi na rin yata makatarungan pa o makabuluhan pang matakot, isip ko, isang saglit. Tulad nang nilisan ako ng aking mga salita, nilisan na rin naman ako ng aking mga mambabasa. Wala na rin namang makikinig, wala na rin namang makaalam. Wala na rin namang saysay ang magsalaysay kung ang mga kuwento mo'y ibinabato lamang sa hangin, sa sarili mong limot, na wala na rin namang may pakialam.
Lahat na lang nga ng ito'y magaanyong pilit. Lahat na lang nga nito'y magtutunog at magmumukhang pilit, depende na lang kung mapilit kitang makinig o basahin man lang ang aking mga hirit.
It all makes perfect sense now. With no one there, really, is there anything to fear at all?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s