Minsan

Minsan sa buhay ng tao, kinakailangan mong mapag-isa. Minsan kailangan mo ring ilagay sa perspective ang mga bagay-bagay na ginagawa mo sa sarili mo at sa iba, kasabay ng palalagay ng direksyon sa buhay mo sa hinaharap. Sa totoo lang, sobrang pinakaaasam ko yung mga panafon tulad nito.
Kaakibat ang yosi, minsanan nang sumagi sa isipan ko ang tanong na laging hindi ko rin mahanapan ng sagot: anong ba talaga ang gusto ko sa buhay ko? Ano ba talagang gusto ko? Minsan mapapatingin ka sa isang muna hindi mo alam kung ano ang oorderin. Minsan ka na rin sigurong napadpad sa isang tindahan na hindi mo alam kung ano ang bibilhin. Maybe as we grow old we fail to notice how our indecisiveness grows a bit more common in between. That which we chose before we would prefer not to chose again but you're stuck at that point when you feel choosing something else might just be something you would regret in the future or would just prove to be a waste of time. Sabi ko noon madalas na ang motto ko sa buhay (na gusto ko) ay "No Regrets" only to find out that the only reason that I could fully achieve that life of no regrets would be to not take risks at all. Ika nga ni Cheng, sticking to the tried and tested.
(That was weird. Somebody just sat next to me for a split second.)
Minsan na ring dumating sa buhay ko na pinangarap kong maging isang mabuting tao, in all sense of the word. Yun bang normal, walang hang-ups sa buhay, malapit sa diyos at sa pamilya, nakapagtapos ng pag-aaral at nakakuha ng isang disente at maayos na day-job sa isang normal na opisinang naniniwala pa rin sa paggamit ng papel. Wala lahat yun sa akin. Minsan siguro mas naiisip nating normal ang mga bagay na ito dahil ito ang mga bagay na hindi natin nakikita sa sarili nating buhay, at naiisip nating dahilan ay dahil may mali tanong ginagawa sa buhay natin o dahil may mali mismo sa ating pagkatao. I envy those who live the normal life apart from mine, way different than the life I've been living, because of the choices I've made and how those choices have shaped me into something more of a freak to mine own eyes. I am not happy with my life per se, unlike them, so there must be something wrong with me. (Which, turns out, ends up to be true for most people, most of the time; and I think I could have used quotation marks more liberally in writing those statements.)
Minsan din kung naisip mo yun, babalik ka ulit sa isang pang tanong na hindi mo rin maintindihan kung bakit visa pa rin ang sagot mo: bakit wala kangaroo ginagawa para baguhin ang buhay mo? Bakit yun at yun pa rin ang pinipili mong mag bagay-bagay kung alam mo naman na hindi naman talaga yun ang gusto mong piling? Madalas mong isasagot: Basta. Basta ganun talaga. Ganun talaga ako. Para bang isinuko mo na rin nag hindi minsan na ikaw at ikaw din lang naman palalagay ang may kasalanan kung bakit walang nangyayari sa buhay mo at kung bakit hindi ka masaya in general.
Minsan iba ang sagot mo: Wala akong isang choice. Sabi ko na rin minsan yun, that's what you call failure of imagination.
Minsan ko nang naisip na tumakas na lang bigla. Just stop and leave everything behind in one fell swoop and go to some remote place where nobody knows me and try to live my life anew. Mas madalas ko na sigurong nababanggit ito sa mga kaibigan ko than what would be considered as a healthy frequency. Yung minsan kang magpalit ng pangalan, ng pagkatao, ng pamilya, ng mga kaibigan. Lahat ng dati mong ginagawa at pagkilos biglang iibahin mo, lahat ng gusto mong gawin, gagawin mo, living your life just the way you would if you were given another chance.
Minsan kailangan mo nang tumigil. Tumigil sa mga paminsan-minsanang kabaliwan at bumalik sa katotohanan.
Kahit minsan, kelangan mo na ring umuwi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s