ang pagbusisi sa mito ni jollibee sa konteksto ng kulturang pinoy

sino ba si jollibee?

malamang bata pa lang tayo, bilang mga pilipino ay nabuo na natin ang konsepto ng isang malaking bubuyog na kulay pula na ngumingiti sa ating bawat pagnguya, bago pa man natin nakilala si jose rizal sa balat ng piso. bago pa man tayo matutong kumain gamit ang kutsara at tinidor ay ninamnam na nating kamayin ang mga hibla ng buhok ni hetty spaghetti at ngasabin ang mga binti ni chickee.

at aminin man ng ating mga magulang o hindi, ang una nating salita, bago ang “mama” o “papa” ay ang walang kakupas-kupas at makabagbag-damdaming: “jabee!”

bakit bubuyog?

samantalang tayo’y nangangawit sa kakabugaw ng mga langaw sa ating mga hapag, heto’t tinatangkilik din natin ang isang higanteng bubuyog na naghahain ng langhap-sarap na mga pagkain. kapamilya siguro ng langanw at malamang sa hindi ay hindi nalalayo sa itsura nito, nakapagtataka kung bakit BEE ang napiling karakter ng mga lumikha kay jollibee. kung tutuusin, noong bata ako, akala ko ay isang malaking langaw si jollibee, na kung noon ay dapat nang pinangalanang jollifly, na sa kalaunan ay hindi katakam-takam tulad ng pangalang jollibee.

noon, nabalitaan ko na kaya bubuyog ang ginawang mascot ng jollibee ay upang kumatawan sa mga taong nagtatrabaho dito: masisipag at laging busy, tulad ng mga bubuyog. laging maalaga sa mga maliliit na larva ng mga bubuyog (marahila ng paliwanang sa mas kaakit-akit na imahe ni jollibee sa mga kabataan) at walang tigil sa paghahain ng matamis na honey.

yun lang, walang honey sa jollibee.

at kapalit ng kakaibang tamis at linamnam ng pulot ay hahainan ka nila ng iba’t ibang klaseng putahe sa malamang lang e ang isa sa pinakamalawak na menu sa nagmamantikang balat ng industriya ng fastfood. saan ka pa makakakita ng cream of mushroom, molo, at sotanghon soup na inihahain sa iyo sa tabi ng jolly crispy fires, jolly palabok, at ang all-time favorite ko kahit hindi ko pa talaga natitikman na amazing aloha. amazing, di po ba?

na siya namang maghahatid sa atin nga mga kaganapang nangyari noong isang araw lang: isang kapanapanabik at kakilig-kilig na surprise kiddie party sa jollibee, na siya namang dinaluhan ng kanyang mga kaibigan na pawang lahat ay nasa edad na hindi bababa sa 22. ang saya!

(itutuloy… eventually… pagdating ng panahon na magkagana na ulit akong sulatin ito at magkaroon muli ng significance si jollibee sa aking buhay. disclaimer: ang party ay noong september 3, 2007 lang. ang unang bahagi ng post na ito ay noong december 20, 2005, 10:59 PM pa. ehehe…)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s