ugh.

(sobrang tagal na ng post na ito, hindi ko naman talaga ipinost. wala lang.)
ang dami ko sanang isusulat kanina, kaso ngayong nakatitig na ako sa computer nawala na lahat.
hindi na nga siguro ako marunong magsulat.
hindi pa man din ako makuwentong tao. paano kaya nila nasabing magaling akong magsulat dati?
hindi ko alam.
ni pakapagsulat nga ngayon, hindi ko alam e, yun pa. talagang hindi ko na matatandaan yun. baka hindi ako yun. siguro possessed ako that time.
bumibgat na ang mata ko, may 24 oras na naman akong gising. katulad noong isang sabado. minsan hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagpupuyat, samantalang hindi naman din ako nagtatrabaho tuwing sabado at linggo.
and the weird thing is, nakakatulog na ako.
sa harap ng computer.
sa computer shop.
sana pala dumaan muna ako ng ist’rbecks bago ako pumunta dito.
dala ng tinding kabagutan, kaya kita nakilala. yung blog.
nakayanan ko palang sumulat sa iyo ng ilang beses? 52 sabi dun sa listahan ng mga post. pero ngayon nanghihina na ako. sa tuwing may kaharap akong keyboard. malamang sa harap lagi kasi ako ng monitor araw-araw.
araw-araw. sa computer ako nakaharap.
minsan nga parang hirap na din ako sumulat kamay. parang isang page pa lang nga kahit ano bumibigay na yung mga daliri ko. ugh. pero ‘pag ang katapat ko e keyboard parang hindi ako maawat.
minsan yun. kung gusto ko yung sinusulat ko at ang tanong nga talaga e kung may maisusulat ako sa pagkakataong iyon.
ang issue ko nga lang sa keyboard, hindi pa rin ako marunong mag-type nang matino. hunt and peck pa rin ang style ko. pero medyo okey na rin kasi medyo kabisado ko na yung keyboard kung minsan. kapag tagalog o filipino yung sinusulat ko medyo mabilis pero kung hindi, medyo mabagal lalao na kung sa umaga. (or for a more accurate representation of time, at 11:30 pm manila time, because that’s when i really start my hours in front of the pc) kung minsan nga lang kahit sa pagta-type, medyo may dyslexia ako. madalas kahit filipino na yung salita wrong spelling pa rin.
leche.

Advertisements

One thought on “ugh.

  1. hahahaha!!!nakarelate akong maigi…ako rin ganyan kadalasan. pag nasa harap na ng computer parang walang maisip.gusto ko nga minsang bumalik sa panahong scratch paper at makinilya lang ang kaharap late at night habang mag-isa sa dorm.masmasarap magsulat ng mga panahong ‘yon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s