february 14

ano bang espesyal sa araw na ito?
hindi ko alam.
february 14, isang araw bago sweldo. ang pinaka-matrapik na araw sa buwan ng pebrero. maraming bulaklak, maraming valentines day card, maraming perang gugugulin sa mga motel at kung anu-ano pang mga date at syempre sa isang trak at kalahating condom na gagamitin at itatapon kung saan o isisingit sa kung saang gilid-gilid ng mga kama sa mga motel.
hindi ko alam.
siguro dahil hindi ako romantiko, dahil hindi ako naniniwala sa ligawan at suyuuan. dahil hindi ako naniniwalang mayroong love at first sight at kalakip nito ang pangakong tutuhugin kayo ni kupido ng kanyang palaso nang parang isaw manok at isaw baboy at, viola! kayo na. dahil naniniwala ako na ang araw na ito ay paraan lamang nga mga kapitalista na i-extend ang kanilang merkado makatapos ang pasko, lalo na ng mga gumagawa ng card at mga bulaklak at mga tsokolate, na sa hindi maipaliwanang na paraan ay nagsisipagtaasan ang presyo dahil mas marami namang di hamak na nakikiuso sa okasyong itong inimbento lang naman talaga at pakana ng kumpanyang hallmark.
hindi ko maintindihan.
siguro dahil sa kabila ng aking pagiging tagapagtaguyod ng kulay pula, bagamat ako’y aminadong color blid, red-green colorblind, ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kang makibagay sa lahat na angsusuot ng kulay pula sa araw na ito na kung hindi mo naman gagawin ay ituturing kang killjoy at kawawa. pwede ba? hindi ko birthday ngayon. at kung gusto ninyong makakita na nakasuot ako ng pula, saksakin nyo na lang ako ng long stem rose nang 14 na beses.
hindi ko na mabilang.
kung ilang beses na akong muntik masuka sa bus, sa dyip, sa mrt at kahit sa kalsada sa mga magsing-irog na naghahalikan o nahlalampungan sa harap ng madla. hindi ko alam kung nasusuka ako dahil sa ginagawa nila o dahil sa awa sa sarili ko na hindi ko magagawa yun dahil wala ang irog ko sa tabi ko.
hindi ko na maalala.
pitong araw makalipas, 5 o 6 na taon na ang nakakaraan nang naging kami ng unang nobya ko. 10 o 11 araw makalipas, 2 taon na ang nakakaraan nang hindi na kami. 5 araw at isang buwan bago, 1 taon na ang nakakaraan nang maging kami ng irog ko. at isang araw matapos kaming magkatopak at mag-away sa text. parang kailan lang.
hindi ko talaga alam.
hindi ko alam, o baka hindi ko na alam. sana balitaan nyo naman ako balang araw.

Advertisements

2 thoughts on “february 14

  1. ikaw nga.ikaw nga ang nawawalang si Archie.Hahaha. Pirmado pa rin ng iyong panulat ang tiklado ng iyong mga daliri. Sumasakit na ang aking mata, kababasa sa harap ng dekuryenteng telon, magpapahinga na muna ako. Wag kang mapapagod magsulat. wag na wag.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s