irog

binibilang ko ang mga araw
unti-unti
minsan mas gusto ko kung
segundo na lang ang bibilangin ko
sanadli at hininga na lamang
kung maaari
para lamang mapabagal ko ang panahon
na hindi kita kasama,
para lamang hindi ko mapansin kung gaano
katagal na kitang hinahanap-hanap
pinapangarap sa bawat pagtinok
ng nangungulila kong puso.

ngunit sa kawalan ng silbi ng paraang ito
lalo lamang akong napapainip
sa bilang na umaabot nang lampas sa sampu
at sampu pang milyon ulit ng aking daliri
ang bilang ng mga pagkakatong hindi hindi kita
hinahanap-hanap o pinapangarap
na makitang muli, at makasama, mayakap
at sa isa pang patikim ng langit ay
maging ligtas sa iyong mga kamay
sa yakap mong mahigpit at mainit.

kung minsan pinatitigil ako ng mundo
pinadadahan-dahan ang lahat, pagkilos
paghinga, pagtibok ng puso
pagsagap sa lahat ng kulay at tunog nito
habang ako’y naglalakad sa lansangan, kapiling
ng mga taong may kanya-kanya ding pag-nanasa
sa buhay, mga pangarap at mga minamahal,
tulad ng ikaw’y sa akin ngayon at noon pa man
tila ang lahat ay upang ipaalala ka sa akin
para hindi ko malimutan na nariyan ka at ako’y
iyong hinihintay, at ika’y hinihintay ko at ako’y
narito, naglalakad, nang mabagal, napapadahan-dahan
sa gitna ng kalsada, nawawala pero nandito pa rin.

minsan, natutulala ako sa gitna ng araw
kunwari’y may tinititigan ng maigi sa malayo
malabo ng di ba ang mata ko, pasaring na pawang
may binabasang hindi mabasa, pero ang totoo
nito, ikaw lang ang pinipilit kong tinatanaw
kahit na aam kong wala ka doon at isang himala
na lamang ang makapagpapakita ng iyong mukha sa akin
mula sa kawalan, umaasa pa rin akong bulag, na bigla
ka na lamang lulutang sa di kalayuan, na makikita ko
ikaw sa katauhan ng isa sa kanilang dumadaan da paligid ko,
na sana’y minsa’y sisihin ko na lang ang kalabuan
ng aking mga mata kung bakit hindi agad kita nakilala
at sa pagkakataong iyon ay mas pipiliin ko na lamang maging bulag
na habang buhay na nangngapa sa dilim
sa ganoong paraan ay hindi ko na aasahan pang makita ka
ngunit sa dilim ng likod ng talukap ng aking mga mata
ay nakatatak nang habang buhay ang iyong mukha, at mula noon ay
ang tinig mo na lamang ang hihintayin ko sa aking pagising

Advertisements

One thought on “irog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s