ang pagkawala at pagkatagpo ng aking mga long-term plans

ano naman ang gusto mong sabihin ko? wala naman talaga akong long-term plan. wala pa.

carlo: ikaw? may balak ka bang umalis?
ako: ha? umalis? ngayon na, uwi na ako…?
carlo: hindi, pumunta sa ibang bansa.
ako: a okey. meron. siguro. oo.
carlo: hindi ka rin naman talaga tatagal dito e, ano?
ako: um… oo. siguro.
carlo: magbabalik ka sa school?
ako: oo.
carlo: ako sa BSP na, or magnenegosyo, or babalik sa law school. yun. tatalo lang naman ang pagpipilian.
ako: …

bata pa lang ako hindi ko na naisip na magkakaroon ako ng long term plan. yun bang mga bagy na pagdating ng araw e gusto mong maabot. ano ba ang mga gusto kong maabot noon?

nagkaroon din ako ng phase na gusto kong mag-pari. naku, e kung noon lang e matagal na akong wala dito at nasa ibang bansa na, on some mission in africa or something. that would have been nice. oo nga ano… that would have been nice. at sa sabihin ng lla kong namayapa na na walang nakikitang apong naging pari, “that would have been nice.” would have been. e ano ba, iba ang pinlano sa akin ng diyos at sa ibang direksyon ako hinangin. wala na yun.

pangalawa sa pagpapari, marami nang akong gusto. hindi ko nga alam kung gusto ko talaga yung mga bagay na yun kasi parang sa dami nila, patunay lang na hindi ko talaga alam kung ano ang gusto kong maging paglaki ko balang araw. not that really grew up at all, i just grew old. sabi ko noong, parang masaya mag-doktor. masaya din sigurong maging teacher on kaya artist. lahat masaya, lahat mukhang maganda. wala naman, hanggang saya lang ang kayang abutin ng isip ko noon kasi wala pa ako sa high school at lalong wala pa ako sa kolehiyo. sa dami ng gusto kong gawin, hindi ko alam kung ano ang gusto kong gawin hanggang sa mamatay ako. walang tumatagal o tumatatak sa isip ko na talagang gustong gusto ko.

at syempre pa, tumanda pa rin ako ng ilang taon at natutunan ko ang katagang “okey lang.”

(siguro isang hiwalay na entry na lang yun kung paano ko nakilala ang katagang “okey lang.”)

ayun, pagdating ng high school, mas lallong lumawak ang pagtingin ko, thanks to my dad. napilitan akong alamin ang “talento” ko sa pagsusulat, kaya rin naman ako nagba-blog ngayon. ang galing nga, siguro sa highschool ko lang talag napag-isip-isip na sumuko sa katotohanan na wala nga akong plano pa sa buhay ko. siguro noong mga panahon na yon marami ka talagang pagpipilian. nasa gitna ka e, heto’t tumatanda ka at unti-unting tinatanggap at kinikilala sa lipunan, samantalang palapit nang palapit ang panahon na kailangan mong pumili ng landas na tatahakin mo sa kolehiyo. siguro ang kaibhana nga lang sa kolehiyo mismo, at least para sa akin, kung naubos ang focus ko sa kolehiyo, sa high school, naka-focus ako sa lahat.

yun nga, kung focus na din lang ang pag-uusapan, wala nang kukulang pa sa panahon ng kolehiyo. pilitin mo mang pagtuunan ng higit na pansin ang mga bagay na mas kilala mong may mas dakilang patutunguhan hindi lang para sa sarili mong kabuuan kundi maging para sa ikabubuti ng lipunan, madaming pwersang tumutulak sa iyo sa iba’t ibang direksyon. hindi naman ako nahirapan noong college ako. ang saya nga e. buhay tambay ka sa labas ng mga classroom na pawang naghihintay ng susunod na mapag-chichismisan. yun ang bumuo ng edukasyon ko sa kolehiyo: isang laksa at kalahating usap at diskusyon tungkol sa mga bagay-bagay na kakatiting lang naman talaga ang magiging makabuluhan. siguro ganoon talaga sa mass comm. buong apat na taon ay gugugulin mo sa paghihimay ng mga mensahe at mga palabas sa kung saan-saang mga medium, at ano? wala, para lang magkaroon ka kung ng career sa media. pwe. kasabay ng pagka-starstruck mo sa mundo nga mag artista at nag-iinarte, namumulat ka sa mga katotohanan na pilit tinitiklop at kinukulayan ng propesyon mo. nakakasuka na rin sa mass comm. parang sabog lahat ng tao. nakakawala ng sense ng normality at pagkatao. putahan. pwe. ang masa ma nun, para kayong mga putang kulang ang bayad.

back to long term plans: sa dami nung inisip kong yon, napagod ako. alam ko hindi halata. wala namang halata e. pero pagod na ako. pagod na ako. sa kakaisip. pero parang masyado nga lang ako sigurong nag-iisip kaya wala talagang nangyayari. gastado na ang one-third ng buhay ko, wala pa rin akong plano sa buhay. haay.

heto, siguro panahon na para simulan:

simple lang naman yun e. bahay. lupa. negosyo (na tunay namang malabong mangyari pero malay ko kung topakin ako minsan). isang matinong outlet sa aking mga kabaliwan sa buhay (re:art). ang irog ko at ang palilya namin. ang pamilya ng aso namin. lahat ng iyan sa loob ng limang taon.

tapos, bago ako mamatay: malibot ang pilipinas, makapunta sa russia, london at new york hindi bilang tourist kundi bilang professional. mapalagay ang loob na kasama ko ang irog ko at hindi kami mahihiwalay kahit na kailan.

di ba, ang dali lang naman pala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s