alas

hindi ko alam kung bakit pero alam kong naiintindihan mo ako
sabi nila magkamukha daw tayo
dapat alam ko
dahil galing na ko diyan
pero siyempre hindi ko na matandaan ang itsura ko noon
parang ikaw
hindi mo rin malalaman na ganyan ang mukha mo
kapag tumada ka na
pero iba ka
natatawa ka kung makikita mo ako
hindi ko alam kung bakit
siguro dahil ngayon pa lang
alam mo na
na darating ang panahon magiging magkamukha na tayo
hindi na nga lang nagpangabot
sa tuwing ngumingiti ka
gumagaan ang pakiramdam ko
dahil siguro
naaalala ko ang panahon na isa pa rin akong sanggol
tulad mo
walang iniisip sa mundo
walang problema
walang mga pasanin
walang mga sikreto
kundi man yung mga bagay-bagay
na umiikot lang sa mura mo pang isip
walang nakaaalam
kahit ako
walang makaaalala
kahit sila
kahit sino
hindi mo na rin matatandaan
ang lahat ng ito
ang iyong mga ngiting pinagagaan ang aming mga kalooban
ang iyaong mga iyak na nagpapasariwa
sa aking mga magulang
na dating ako’y ikaw
kami’y ikaw

Advertisements

One thought on “alas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s