while on avail…

minsan niisip ko kung bakit
ikaw pa rin ang nilalalman ng isip ko
matapos ang aking araw
sa pagsikat ng umaga nanginginig
ang aking katawan habang iniisip ko
ang huling sandali na nakadaop
ang palad ko sa iyo
ay tayo’y naunuyo ng mga pangarap
sa ating kamalayan ay hindi matutupad
(kundi man sa buhay na ito, sa kabilang bahagi ng kalawakan)

nananabik akong makita kang muli
nananabik akong mahawakan
kang huli sa bawat sandali
ang iyong hiningang dumadampi
sa aking pisngi, iyong pupugin ng halik
at pawiin ang pagkasabik sa langit
ng iyong piling ako’y naninimdim
sa bawat hulagpos ng sandali
bawat saglit na kumkagat sa aking puso
nagdaramdam sa isang iglap na nasayang
dahil hindi kita kapiling, hindi ka bahagi
ng ngayon at ng aking katotohanan,
sa sandaling iyon at ako’y mababaliw
sa kabila ng pagdaramdam ay matutuwang dagli
sa pagsanib ng aliw mula sa ibang kalawakan
mapaptid ang pisi sa tuwa dahil sa bawat kurap
na pagihip ng hangin na hindi ka nakakapiling
ay lalong sumisidhi ang damdamin kong ikaw
lamang ang isinisigaw, ikaw lamang ang tanging kikiling,
tanging kakampi, sa lupit ng kawalan sa hagupit
ng aking mundong ginagalawan na naghihintay
sa ating nagliliyab na mistulang araw
kawangis ng bawat bukas na siyang bubukhang
liwayway waring ang mga ibon ay nakikiayon
sa aking damdamin na kumakampay
patungong timog; pauwi, pabalik sa piling
ng aking irog na sa aking himlaya’y nananatili
ang kanyang mga panaginip na hindi
na malayong matupad dahil ang mga gunting
ito’y akin din lamang na sa pagdampi ng aming
mga labi sa paglapat ng aming mga balat
sa paghalukay ng aming mga hininga
sa isa’t isa sa paghahalo ng aming mga pawis
at dugo at sa muling pagdampi ng aking
mga labi sa kanyang namumugtong puso,
tatambad sa lahat ng aming mga saksi’t kaibigan
ang katotothanan ng aming pagsuyong
hindi magmamaliw kailanman, babagal
sa paglipas ng oras na sa pagalon ng panahon
ay lalo lamang uusbong at mamumunga
ng lubos hanggang sa hindi
na namin makilala
ang isa mula sa isa,
dahil kami ay
iisa.

Advertisements

One thought on “while on avail…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s