drowning

hindi ako marunong lumangoy.
itapon mo ako sa dagat
bumilang ka ng isang minuto
patay na ako nun.

malapit na akong mag-bente-dos
matanda na ako
swerte ko na lang
kung matutuo akong lumangoy

malamang sa hindi,
hindi na rin.

bakit ko pa nanaising
matutong lumangoy
kung hindi naman ako sporty?

bakit pa ako susubok
na matutong lumangoy
kung pwede namang magtampisaw?

bakit pa ako magpipilit
na sagipin ang aking sarili
kung sa iyo din lang naman ako malulunod?

ikaw ang dagat ko,
at hindi ako marunong lumangoy.

lalamunin ako ng iyong mga tubig
at hindi ako papalag

papalibutan ng iyong alat na basa
at hindi ako hihinga

papasukin ng dagat mo ang aking dibdib
at hindi ako mamamanas.

hindi ako marunong lumangoy,
hindi lang muntikan akong malunod.
lunurin mo ako,
liliparin ko ang langit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s