xyz

nabaling ang usapan, sa hindi maintindihang dahilan, sa mga ex.
the tale of the ex. of course, one of the biggest problems when entering a new relationship is the ex. suddenly one is struck by lightning that even the name of the ex may or may nor trigger a certain queasyness that may or may not cause you to throw up all of a sudden. like it or not, unless you’re entering a relationship for the first time (yeah, right. feeling virginal.) the ex is someone both has to contend with, even of the relationship is long gone.
ni hindi nga kailangan na ex-boyfriend o ex-girlfriend ng kalaban mo. pwedeng kahit anong ex – ex-bestfriend, ex-classmate, ex-schoolmate, ex-roomate, ex-officemate, ex-friend, ex-enemy, ex-pet, ex-hobby, ex-convict, ex-bisyo, ex-buddy, ex-fucking buddy, ex-kissing friend, ex-friendster, ex-barkada, ex-men, ex-woman, ex-cetera, ex-cetera. ang mahalaga lang naman sa tunggaliang ito ay dalawang titik: ex = ang nakaraan. gaano ka ka-handang tanggapin ang nakaraan ng isang tao?
they say those who fail to look into the past, look forward into failure. babagsak ka kung hindi mo ito pag-aaralan, ang kasaysayan na lang ang mgsasabi sa iyo niyan. pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa relasyon, masasabing kalaban mo ang nakaraan. kalaban mo ang lahat ng katangin ng kanyang nakaraan, lahat ng bahagi nito, lahat ng pagkakamali nito dahil higit pa sa lahat, ikaw ang kanyang ngayon. ikaw ngayon ang lahat ng hindi katulad ng dati, at pareho ninyong mas gustong maging hindi katulad ng dati. sabi nga, “iba na ngayon”. (kung tutuusin, ilan nga bang “ngayon” ang lagi nating sinasabing “iba”?)
gaano ka ka-handang harapin ang ex ng iyong girlfriend, gaano siya kahandang harapin ang ex mo? tanong: hindi kaya sa sa pagpapakilala ng mga ex ay lalo lang kayong mapapamahal sa isa’t isa o kabaliktaran kaya? doesn’t it feel like, when you drag your ex into your present, it’s like letting space for your past in you and your present’s future?
kung buong puso ninyong matatanggap ang mga ex ng isa’t isa, mas lalo ninyo lang naman mapapatunayan na hindi lang taong kaharap mo ang minahal mo kundi ang buo niyang kaluluwa (past lives included!). kung sa tao din lang, libog lang yan, init na lumulipas sa minutong mabanyusan ng konting laman. kung lahat pwede mong lulunin sa nakaraan niya, at kahit na ano pang sabihin nilang nangyari noon, magaling ka. marunong ka ngang magmahal. but of course, all ex-es should ba taken with a grain of salt. remember, everyone doesn’t love a martyr. hehehe.
simple lang yan: ng unang hakbang: pag-usapan ang ex. kung naiilang ka, hmm… i smell issues. kung okay lang, wala ka namang dapat ika-takot di ba?

(cue music: ex-girlfriend by no doubt)
kakaiba ang iyong bilis, m. real-time ka talaga!!

Advertisements

2 thoughts on “xyz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s