eprot

eprot. torpe. wala akong masabi. paano nga ba nagiging eprot ang isang tao sa harap ng isa o higit pang mga tao? is it just because he or she is speechless, or does speech escape the moment altogether? minsan may mga pagkakataon na mahirap sabihi ang mga bagay na gusto nating sabihin. dala marahil ito ng iba’t ibang mga bagay. minsan mahirap sabihin kasi hindi natin alam kung paano. (paano ko sasabihing may anak na ako sa labas mulsa sa isang gabing uminom kami ng mga barkada ko at nakabuntis ng isang dalagang nakilala lang naimn sa bar?) often, it’s because, we’re ashamed of doing so. (paano mo sasabihin na kaya ayaw mong maghubad ng sapatos ay dahil sa meron kang malalang kaso ng alipunga, o kaya ayaw mong mag-bathing suit ay dahil may hadhad ka?) and then there are also times when the words are not even enough. (paano mo sasabihin ang isang bagay kung sa loob-loob mo ay hindi naman talaga maikakahon ng mga salita ang gusto mong sabihin, at bagkus ay maari lamang nitong guluhin ang lahat.) then there are also times that even the most sincere words would often lead to conflicting ideas. how do you defend words then? all along, the larger our vocabulary becomes, the more words we learn the meaning of and the more words we get to fill our lips with, the more we fall slaves to words we created ourselves. (mas lalong napupuno ng mga salita ng iba ang ating mga bibig, mas lalo nating binibigyan ng kapangyarihan ang iba na magbusal ng mga salita sa ating mga labi. kung minsan, mas maswerte pa ang mga pipi, dahil hindi sila nakakahon sa limitadong sakop ng mga salita, mas naipapahayag nila ang kanilng mga sarili sa pamamagitan ng iba pang mga paraan, ng kanilang mga katawan, ng kanilang mga kamay at mga mata. at sinong makapagsasabing mas may kapansanan ilang mga bingi? mas masayang na rin nang hindi mo naririnig ang mga bagay na ayaw mong marinig, ng walang kapagod-pagod, ng walang pagpipilit. natural mong nsasala ang mga bagay na gusto mong malaman at maramdaman sa pamamagitan ng ibang paraan, lalao na ng mga mata at mga kamay.) words could be described in a host of different ways, they can pierce through the toughest aremor, they can move mountains and topple governments in a single bound. echoes can ward off invaders from afar and wage either war or piece with a single line. a single word or phrase could make the difference on who should got to jail or who should be set free. and even more, these are the only guarantees that we speaking and reading people have that the world we live in is real. we can use words to realize our surroundings. we can detail how things feel, how things look, how things taste and everything that our senses might feel, everything that could make us alive. pero sa huli, habang winawasiwas ng ating mga dila ang mga salitang hindi nahahawakan o natitikman, habang binubuo natin para sa ating mga kasama at maging para sa ating mga sarili ang ating daigdig sa pamamagitan ng mga salitang pinagtahi-tahi, hindi pa rin maikakaila na ang salita ay walang batayan sa realidad. in the end, all words are illusion, and great are those who can make the illusion disappear.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s